PROPHECY EXPLAINED: 666- VICARIUS FILI DEI (THE VICAR OF THE SON OF GOD).

Maraming nagbibigay ng sarili nilang pagpapakahulugan sa pagkakilanlan ng taong may titulong 666 sa talatang Apocalipsis 13:18,

“Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito’y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666.”

Nalalaman natin na ang aklat ng Apocalipsis ay kinasusulatan ng mga propesiya. Kaya, upang lubos nating maunawaan at makilala ang taong nagtataglay ng bilang na 666 ay kailangan nating isa-isahin ang kaniyang katangian.

Apocalipsis 13:11: “At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at AT MAY DALAWANG SUNGAY NA KATULAD NG SA ISANG KORDERO, at SIYA’Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON.”

1) MAY DALAWANG SUNGAY

Hindi ito LITERAL. Paano dapat unawain ang mga sungay na ito?

Amos 6:13: “Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng MGA SUNGAY mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”

Samakatuwid, ang taong ito ay nagtataglay ng dalawang kalakasan. Ang kalakasan o STRENGTH ay may kasing kahulugan na FORCE o POWER (Webster’s 1828 Dictionary). Taglay niya ay dalawang kalakasan o kapangyarihan.

Ilan ba at ano-ano ba ang katangian ng Santo Papa ng Iglesia Katolika? Sipiin natin ang kanilang aklat na pinamagtang The Faith of our Fathers by James Cardinal Gibbons, sa pahina 113, ay ganito ang kanilang pag-amin:

“The popes were not only devoted as SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…”

Samakatuwid, nakuha ng Papa ang unang katangian. Ayon sa pag-amin ng isang awtoridad-Katoliko, ang Santo Papa ay nagtataglay ng kapangyarihang pamahalaan ang tungkuling espirituwal (Religion) at Pamahalaang panlupa (Gobyerno).

2) NAGSASALITA NA PARANG DRAGON

Hindi pa rin LITERAL na Dragon ang pinag-uusapan natin dito, ito ay SYMBOLICAL. Sino ba yung dragon na tutularan ng Santo Papa? Ganito ang pagpapakilala sa atin ng Biblia:

Apocalipsis 20:2: “At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon,”

Ibig sabihin, salita o aral ng Dragon (Satanas, Diablo) ang kaniyang sasalitain. Ano-ano ang mga ito?

1 Timothy 4:1: “Now the Spirit speaketh expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and DOCTRINES OF DEVILS;”

1 Timothy 4:3: “FORBIDDING TO MARRY, and commanding to ABSTAIN FROM MEATS, which God hath created to be received with thanksgiving of them which believe and know the truth.”

Niliwanag sa atin ni Apostol Pablo na ang mga aral ng demonyo ay (1) pagbabawal ng pag-aasawa (2) pagbabawal ng pagkain ng karne. Sino ba ang nagpatupad ng ganitong mga aral? Tunghayan muli natin ang pag-amin nila sa kanilang aklat pa rin na The Faith of our Forefathers na isinulat ni James Cardinal Gibbons, sa pahina 396,

“Ang disiplina ng Iglesia ay ipinatupad buhat pa sa simula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL SA MGA SASERDOTE NA MAG-ASAWA PAGKATAPOS NA SILA’Y ORDENAHAN.”

At ganito pa, sa isa pang aklat nila na pinamagatang Siya Ang Inyong Pakinggan, Aral na Katoliko na isinulat ng isang pari na si Enrique Demond, sa pahina 139,

“Sa ikalawang utos ng Santa Iglesia sa atin na mag-ayuno o HUWAG NG ANUMANG LAMANGKATI O KARNE sa mga araw na ipinagbabawal niya.”

3) MAKIKITULAD SA CORDERO

Sino ba ang Kordero na gagayahin nitong Santo Papa? Walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo (Juan 1:29). At kaniyang gagayahin ang Panginoong Jesucristo na ulo ng Iglesia Niya (Colosas 1:18), samantalang ang Papa ay ang ulo ng Iglesia Katolika:

“THE POPE, therefore, as VICAR OF CHRIST, is the VISIBLE HEAD OF CHRIST’S KINGDOM ON EARTH. THE CHURCH, of which is Christ himself is the invisible head.” (Answer Wisely by Rev. Martin J. Scott, p.49)

Malinaw na ang kapamahalaan ni Cristo ay panlangit at panlupa. At matibay nating pinanghahawakan na isa lamang ang ulo ng Iglesia, at hindi dalawa (Mateo 28:18) at siya’y hindi mapapalitan (Hebreo 7:24). Kaya, ang Santo Papa ay nang-aangkin lamang at nakikipantay sa ating Panginoong Jesucristo.

Tupad na tupad sa Santo Papa ng Iglesia Katolika ang mga katangian ng taong nagtataglay ng bilang na 666. Ang bilang na ito ay titulo ng Papa. Sa isang pahayagang inilathala noong Abril 18, 1915 ganito ang ating mababasa:

“What are the letters supposed to ve in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything? The letters inscribed in the pope’s mitre are these: VICARIUS FILI DEI, which is the Latin for VIXAR OF THE SON OF GOD…” [Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3]

Samakatuwid, ang VICARIUS FILI DEI ay ang titulong ipinantatawag sa Papa na siyang ring nakalagay sa korona nito.

“And as much as to the first, since THE POPR IS VICAR OF THE SON OF GOD…” [Volume 3 of SUMMA THEOLOGICAE by the Archbishop of Florence, Saint Anthony (1389-1459) was published in Venice, Title 22, chapter 5, section 16]
“AND THE NEXT POPE, WHO IS VICAR OF THE SON OF GOD.” [Thesaurus Christianae Religiones, Alphonsus Alvare, Guerrero, 1559, chapter LV (55), De Imperatore et eius authoritate, pg. 305, line 30, a second copy pg. 305, line:]

Bago natin bilangin, dapat muna nating isaisip na noong unang panahon ang letrang U at V ay magkatumbas ganun din ang letrang J at I kaya nga ang Vicarius ay katumbas ng VICARIVS, ang pangalan JESUS naman ay isinusulat noon sa Latin na IESVS, kaya nga ang INRI ay IESVS NAZARENVS REX IVDAEOEVM o Jesus na taga Nazaret, ang Hari ng mga Judio. Kaya kung bilangin sa pagsasalin mula Roman Numerals sa Hindu-Arabic Numbers ay ganito:

Tutol ang ilang CFD dito sapagkat ang sinasaad ng propesiya ay PANGALAN at hindi titulo. Ang titulo ba ay pangalan? Ganito ang patotoo ng Webster’s 1828 Dictionary:

“TITLE, n, an inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”

Kaya, natutunan natin ngayon na ang Santo Papa ay ang pinatotohanan na katuparan ng 666. At ang titulo na VICARIUS FILI DEI ay ang PANGALANG itinatawag sa kaniya.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started